Monday, November 22, 2010

In Love With Brando 14



Salamat sa lahat ng mga nag-comments. Kay RJ, Jhay L, chris, wastedpup, antukin29 at eunsolee.  Salamat din kay enso para sa magandang poster na ginawa niya para sa ILWB.

----------o0O0o----------

Sinulit namin ni Kuya Brando ang buong maghapon, kumain kami sa isang sikat na restaurant na pwedeng magpaluto ng vegetarian food. Sa kainan na iyon malayang nakakapag-request si Kuya Brando, halimbawa ay huwag lagyan ng karne ang gulay na nasa menu, huwag gumamit ng mga meat flavored seasoning at animal oil at lard sa pagluluto. Masaya kaming kumain habang nagkukwentuhan ng mga sweet nothings. Sa hapon ay nag-stroll kami sa SM, nanood ng sine, naglaro saglit sa may arcade saka nagpunta sa plaza sa bayan na katapat ng police station. Umupo kami sa bench doon habang kumakain ng fries at juice na pinatake-out namin. So far, ito na yata ang pinakamasayang parte ng buhay ko. Ang sarap talaga ng feeling ng in love, nakaaadik. Alive na alive ang pakiramdam. Tama nga ang sabi nila: Love is life. And if you miss love, you miss life.

Kaya naman medyo nalungkot ako nang ihatid na ako ni Kuya Brando sa amin. Kasi nama’y ayaw ko na talagang matapos ang maghapon, ayaw ko na ring magkahiwalay pa kami. Kaya bago ako pumasok ng tuluyan sa gate, niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. Niyakap naman niya ako, ramdam ko ang init sa kaniyang katawan at amoy ng peras at banilya.

Niluwagan ko ang aking pagkakayakap at tumingin sa mukha niya. “I love you,” sabi ko na punom-puno ng emosyon ang tinig.

Ginawaran niya ako ng masuyong halik sa mga labi saka nagbitaw ng nasisiyahang ngiti. “I love you too, Utoy.” Ramdam ko ang sinseridad sa kaniyang sinabi. “O, paano…marami pa namang pagkakataon…”

Ayaw ko pa rin sana siyang pakawalan pero tama siya, marami pa namang oras para sa amin. “Sige Kuya, text-text na lang tayo.”

Tumango siya ng marahan, pumasok sa kaniyang kotseng puti saka kumaway. Hatid-tanaw ko pa ang kotse niya habang paliit ito ng paliit hanggang mawala ng tuluyan sa aking paningin.

Pagpasok ko ng bahay ay sumalubong sa akin si Tiya Beng na bakas sa mukha ang pag-aalala. Humalik ako sa kaniyang pisngi bilang paggalang. Sa unang pagkakataon, nag-dalawang-isip akong ibahagi sa kaniya ang tuwa sa aking puso sa nangyari sa amin ni Kuya Brando. Alam ko naman kasing hindi siya papabor sa akin.

“Si Brando iyon,” nag-aalangan niyang sabi.

Tumango ako. “Mahal ako ni Kuya Brando, Tiya.”

“Nag-aalala ako sa iyo, anak. Ang sa akin lang naman, sana pag-isipan mong mabuti, sabi ko nga, baka ikaw ang singilin niya sa atraso ni Rhon.”

May maliit na parte na lang ng utak ko ang nag-iisip ng ganoong possibility. Mas malaki pa rin nito kasama ng puso ko ang nagsasabing mahal ako ni Kuya Brando at iyon ay hindi ko dapat pagdudahan.

“Aakyat na po ako para makapagpalit ng damit.” Iniwan ko si Tiya Beng na nasa mukha pa rin ang kawalan ng pag-asang mapabago pa niya ang pinaniniwalaan ko.


“WALA PA SI SIR BRANDO, maupo ka muna Rhett.”

Maluwang ang pagkakangiti ni Engr. Clyde nang pumasok ako sa opisina nila ni Kuya Brando. May ginagawa itong weekly report. Inokupa ko ang upuan sa may kaliwa ng mesa niya. Napakagaan ng pakiramdam ko sa muling pagbabalik sa site nang Lunes na iyon ng umaga. Hindi ko man kasabay pumasok si Harry ay masaya na rin ako dahil siya na ngayon ang sumusundo kay Eunice at sabay na sila sa pagpasok.

“Nauna kasi ako sa kaniya,” sabi ni Engr. Clyde na ang tinutukoy ay si Kuya Brando, ang atensiyon ay sa ginagawa pa rin. “Kailangan kasi itong progress repot na ito ngayon.”

Hinintay ko munang matapos ni Engr. Clyde ang ginagawa bago ako muling nagsalita. “Salamat po sa Notice at sa pagkain.”

Napatawa siya. “Hindi sa akin galing iyon. Iniutos lang ni Sir Brando.”

Alam ko na naman iyon pero nagpasalamat pa rin ako. “Nakaka-miss talaga dito. Ang saya ko at nandito na ulit ako.”

“Oo nga, kaya ayusin mo na ngayon, second chance mo na.”

“Kumusta naman ho kayo?”

“Mabuti naman.”

“Misis po ninyo kumusta?”

Tingin ko’y nabahiran ng lungkot si Engr. Clyde. Nag-alala naman akong bigla. “Pasensiya na ho, may nasabi yata akong hindi ninyo nagustuhan.”

Naiiling itong ngumiti. “Hindi, okay lang. Iyong nasabi ko sa iyo dati, hindi kami kasal pero matagal na din kaming nagsasama. Nitong huli, dumating na iyong papeles niya papuntang Canada. Nag-usap kami na mauuna na siya doon at susunod ako sakaling handa na akong magpakasal sa kaniya.”

Natahimik ako. Nangangapa ng sasabihin. Napakapersonal kasi ang nabuksan kong topic.

“Napagod na siguro siya sa kahihintay sa akin. Wala naman akong magawa, all I can offer to her is live with me.”

“May iba po ba?” Nagulat ako sa itinanong ko.

Nanahimik siya ng ilang saglit. “Mas okay na rin ang nangyari. Pareho naman naming alam na kailanman hindi siya magiging replica ng babaeng mahal ko kahit gaano man siya kawangis. I also realized, when you love someone, you love the whole person, just as he or she is, and not as you would like them to be.”

Sabagay kung mamahalin mo lang ang isang tao dahil ang nakikita mo sa kaniya ay ang iyong past and lost love, siguradong wala ring patutunguhan iyon.

OMG! Paano kung mahal pala ako ni Kuya Brando dahil si Kuya Rhon ang nakikita niya sa akin? Erase. Erase. Erase. Mahal ako ni Kuya Brando, walang duda.

Pagkaraan ng ilang segundong katahimikan, iniba ko ang usapan. “May gusto po sana akong itanong sa inyo tungkol kay Kuya Brando kung pwede.”

Iniisod niyang bahagya ang itim na keyboard sa kaniyang harapan saka tumingin sa akin na parang sinabing okay lang.

“Paano ho ba kayo nagkakilala ni Kuya Brando?” Kinabahan ako ng bahagya, marahil ay sa pag-asam na sagutin niya ang tanong.

Ilang patlang bago siya sumagot, “Sasagutin ko ang tanong mo dahil hindi na rin kita itinuring na iba sa akin. Sa totoo lang, magaan ang pakiramdam ko sa iyo at parang anak na rin ang turing ko sa iyo. Heto ang sagot: Bata pa lang kilala ko na si Sir Brando. Naging close nga lang siya sa akin nang tumira siya sa bahay ko sa Maynila, more than ten years ago na ngayon.”

Pakiramdam ko’y may ilaw na biglang sumindi sa aking isip. Kung ganoon, kaya ba siya nawala after ng break up dahil doon siya tumira kay Engr. Clyde? Posible.

“Naawa nga ako sa kaniya noon dahil walang-wala siya nang puntahan niya ako. Walang pera, pagkain, matutuluyan at ang dalang damit ay iyong suot lang niya nang dumating. Isinangla nga lang iyong relo niya kaya siya nakarating ng Maynila. Nagpapasalamat naman ako at sa akin siya nagpunta, at least hindi siya napariwara.”

“Lumayas ho ba siya sa kanila?”

“Hindi ko alam kung lumayas ba siya talaga, dahil ang alam ko sa boarding house naman siya nakatira at hindi sa malaking bahay. Siguro mas tamang sabihin na inilayo niya ang kaniyang sarili kay Chairman.”

OMG! Nagsisimula na naman ang mga revelations. This time si Kuya Brando naman.

“Bakit po?”

“Alam mo kasi, si Brando ay pamangkin ng asawa ni Chairman na inampon na lang nila nang mamatay sa car accident ang mga magulang nito.”

Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Bigla ang lungkot na bumalot sa puso ko. Si Kuya Brando ampon? “Pero sabi niyo po dati, nag-iisang anak si Kuya Brando ni Chairman.”

Tumango siya. “Oo. Dahil inampon naman siya nina Chairman kaya ko nasabing anak. Isa pa, maganda naman ang trato kay Sir Brando ni Chairman. Nabago nga lang iyon nang mamatay ang asawa nito dahil sa breast kanser. Siguro dahil hindi naman talaga anak at wala na ang asawa na kahit papaano’y isang malaking factor ay medyo naging malayo na ang loob ni Chairman kay Brando. Hindi naman siya minaltrato pero hindi lang talaga sila ganoon ka-close. Kaya si Brando, kahit na hindi naman pinapaalis ni Chairman sa malaking bahay, ay nag-decide tumira sa boarding house. Magkaganoon man, patuloy pa rin ang suporta ni Chairman sa kaniya.”

Iyon pala ang dahilan kung bakit imbes sa malaking bahay na mas malapit sa UB ay nasa boarding house nakatira si Kuya Brando. “Pero di ba wala naman na siya sa malaking bahay, bakit kailangan pa niyang lumuwas ng Maynila?”tanong ko pa rin kahit ang nasa isip ko ay dahil iyon sa break up nila ni Kuya Rhon.

“Sabi niya sa akin noon, sobrang hiya na daw niya kay Chairman kaya siya lumuwas. Humanap siya ng trabaho dahil nang mga panahong iyon, hindi na rin siya kumukuha ng suporta kay Chairman. Nakahanap naman siya ng part-time job kaya itinuloy niya ang kurso na isang taon na lang ang kulang habang nagtatrabaho. Ayaw naman niyang tulungan ko siya sa lahat ng pangangailangan dahil baka sa akin naman daw siya mahiya.”

May punto si Kuya Brando pero, “Paano siya nakapagtrabaho sa kumpanya?”

“Nalaman ni Chairman na sa amin nakatira si Brando. Kahit ramdam kong there’s something going on between them, sinuportahan pa rin ni Chairman si Brando sa pamamagitan ko. Kontrolado nga lang dahil ang alam ni Sir Brando ay pera ko ang itinutulong ko sa kaniya. Mabait naman si Chairman at dahil sa sobrang pagmamahal niya sa kaniyang kabiyak, hindi pa rin niya magawang pabayaan si Brando na inihabilin sa kaniya bago ito pumanaw.

Nalaman din naman ni Brando ang tungkol sa pagtulong ni Chairman pero tapos na siya noon sa pag-aaral at nakapasa na ng board exam, naunawaan naman niya at nang alukin siya na magtrabaho sa kumpanya, tinanggap naman ni Brando sa kondisyon na hindi siya idedestino dito sa Batangas City.”

I see…kaya pala bigla na lang sumulpot ito. Kung iyon ay kundisyon niya, mas liliwanang ang panig na hindi siya nagbalik para maghiganti kay Kuya Rhon. “Bakit ayaw niya dito?”

Napangisi si Engr . Clyde. “Siguro ayaw na niyang maalala iyong mga nagdaan sa buhay niya.”

O iniiwasan din niyang magkrus ang landas nila ni Kuya Rhon dahil magiging masakit iyon sa kaniya. Bakit? Dahil hanggang ngayon si Kuya Rhon pa rin ang mahal niya?

“Pero nandito na siya ngayon,” giit ko.

“No choice na rin siya, isa pa naisip naman niyang hindi niya kailanman maiiwasan ang lugar na ito kaya, hinarap na lang niya anomang takot ang nasa loob niya.”

May naisip pa akong itanong, “Bakit kilala po ni Chairman si Kuya Rhon pati ako? Mukhang galit siya sa amin kaya itinago niya si Kuya Brando sa akin.”

“Ang totoo hindi ko alam. Baka naman dati pang kilala ni Chairman ang Kuya mo. Iyong galit siya sa ‘yo, natural na reaksiyon lang iyon dahil sa ikaw ang sinabi ni Miss Elizalde na may kasalanan sa pagkakuryente ni Sir Brando. Iyong itinago, hindi naman talaga ganoon ang nangyari.”

Medyo nagulat naman ako. “Pero sabi ninyo, pinalagyan pa ng dalawang guard ang kuwarto ni Kuya Brando noong nasa ospital…tapos hindi rin sabihin sa amin sa Information…tapos noong makalabas naman ng ospital, sa rest house naman sa Tagaytay dinala..”

Nagpapaumanhing mukha ang bumakas kay Engr. Clyde. “Patawarin mo ako Rhett kasi iyon ang sinabi ko sa iyo. Ayaw ko lang kasing magkita kayong muli ni Chairman, kasi siyempre galit iyon kaya pinakiusapan ko na rin iyong sa Information na huwag ibibigay kahit kanino ang numero ng silid. Tungkol sa rest house, si Chairman ang may suhestiyon noon na sa tingin ko nama’y akma lang na paligid para mabilis ang recuperation ni Sir Brando.”

“Tinanong ko kayo sa loob ng kotse—“

“Sasabihin ko naman talaga sa iyo na nasa rest house sa Tagaytay si Sir Brando, actually balak ko pa ngang dalhin ka doon, kaya lang nagpunta ka sa bahay at nagkita at nag-usap kayo ni Chairman. Nagatubili tuloy ako at natakot na baka malaman ni Chairman na dinala kita doon at magalit siya.”

Hay, nako! Pwede naman kayang palihim.

Para namang nabasa niya ang aking isip. “Sigurado namang makakarating kay Chairman kapag nagpunta ka dahil loyal ang katiwala doon na tumanda na sa pagsisilbi sa mga Ramirez. Pero inalagaan ko naman si Sir Brando para sa ‘yo. At nang maayos na siya, ikinuwento ko lahat ng nangyari pati na iyong ginawang termination sa OJT contract mo. Nagalit siya at nainis.”

Magtatanong pa sana ako kay Engr. Clyde nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Brando, kasunod nito si Eunso at sa likod sina Jimson at Vlad.

Pumasok kaming lahat sa loob ng opisina ni Kuya Brando. Magkatabi kami nina Eunso at Engr. Clyde, nakapagitna ako sa upuan sa harap ng mesa ni Kuya Brando. Nakaharap naman kami kina Jimson at Vlad na magkatabi rin.

Bakas ang kinikimkim na galit sa mukha ni Jimson samantalang si Vlad ay kabado na parang sa isang bibitayin.

“Gusto kong ipaalam sa inyong lahat na binabawi ng kumpanya ang termination ng OJT contract ni Rhett at simula ngayong araw na ito ay papasok na siyang muli.” Masayang pahayag ni Kuya Brando. Kumindat pa sa akin nang saglit kong tapunan ng tingin.

“Congrats!” masayang bati naman ni Eunso na pumihit paharap sa akin saka ako kinamayan.

Si Vlad ay halatang lumiwanag ang mukha sa narinig na parang nabawasan ng kung ilang pounds ang dinadala. Hindi na naman naging sorpresa iyon kay Engr. Clyde dahil matagal na niyang alam.

Si Jimson ang talagang affected. Ang kanina’y kinikimkim na galit ay humayag nang mamula ang mukha lalo na sa mga sumunod na sinabi ni Kuya Brando.

“Also effective today, Jimson and Vlad will be assigned in the Electrical Stock Room. They will be replaced by Eunso and Rhett in the generator room.”

Mukhang lahat naman ay natuwa sa re-shuffle na nangyari maliban kay Jimson na hindi na nakayanang itago ang galit at parang sa isang torong nakakita ng telang pula ay biglang tumayo ito sa upuan.

Tumingin siya kay Kuya Brando at halos pasigaw na sabi, “You cannot do this to me!”

Tingin ko nama’y nagpanting ang tenga ni Kuya Brando sa narinig. “I just did.”

“Makakarating ito kay Ninong,” pagbabanta niya.

Napabungisngis naman si Kuya Brando. “Huwag ka ng magpakapagod Mr. Landicho, alam na niya ang tungkol dito.”

Nang maramdaman yata ni Jimson na wala siyang laban ay biglang nagbaling ng tingin sa akin, ang mga mata ay nanlilisik. “Ikaw!” dinuro pa niya ako at hindi naman ako nagpatinag dahil expected ko na ang outburst ng kaniyang emosyon. Lumakad pa ito palapit ng pintuan saka tumigil. Tumingin ako kay Vlad, malamang hinihintay siya ni Jimson na sumunod. Tumingin siya sa direksiyon ni Jimson pagkuwa’y umiling at ngumiti sa akin. Nakita naman iyon ni Jimson paglingon nito na lalo niyang ikinagalit. Bago tuluyang lumabas ay muling nagsalita. “Araw mo ngayon Rhett Santillan, hintayin mo at katakutan ang pagdating ng araw ko.”

Kahit papaano’y nagdulot ng bahagyang takot ang bantang iyon ni Jimson. Alam ko namang hindi siya nagbibiro dahil ilang beses na niya iyong napatunayan sa akin. Pero sisiguraduhin kong sa susunod niyang atake, hindi na ako iiwas, hindi ko siya uurungan.

Natuwa talaga ako sa inasal ni Vlad. Tama ako, hindi talaga masama si Vlad. At least ngayon pinanindigan na niya ang kabutihan. Sa tuwa ko’y niyakap ko siya saglit, alam kong simula ngayon isa ng kaibigan si Vlad.

“Lumabas si Jimson ng gate,” sabi ni Kuya Brando matapos kausapin sa intercom ang gate guard. “Well, let’s get back to work. At the meantime, Eunso will have to look both generator room with Rhett and Stock Room with Vlad.”

Tuwang-tuwa ang lahat lalo na ako sa mga pangyayari. Naunang lumabas sila Engr. Clyde, Eunso at Vlad. Nang ako na lamang ang naiwan, “Kuya Brando, ask ko lang, alam na ba talaga ni Chairman ang tungkol dito?”

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa mga labi. “Hindi pa. Sinabi ko lang iyon kay Jimson para inisin siya. Iyon lang kasi ang pwede nating gawin habang hindi pa tayo nakakahanap ng ebidensiya para patunayan na siya ang may kagagawan ng nangyari sa akin. Pero mukhang hindi na natin kailangan pang patunayan dahil sa pag-walk out niya ngayon, pwede na iyong grounds para kasuhan siya ng gross insubordination which is punishable by termination of employment. Ako na ang bahala kay Chairman.”

“Baka magalit sa iyo si Chairman.”

Umiling siya. “Don’t worry I can manage. Ang galit ni Chairman wala sa akin iyon, ang mahalaga naayos na natin ang problema mo.”

“Okay,” natutuwang sabi ko. Ako naman ang humalik sa kaniya saka niyakap ng mahigpit. Hindi ko napigilang maiyak sa tuwa dahil at last nakabalik na ako sa site at naayos na ang problema. Kasama na rin ng pag-iyak ang mga nalaman ko kay Engr. Clyde tungkol sa pagkatao niya at sa mga pinagdaanan niyang hirap sa buhay.

Pasimple akong nagpahid ng luha para hindi niya makita bago ako tuluyang lumabas ng opisina.


SABAY NA SANA KAMING mag-lunch ni Kuya Brando nang magkaroon ito ng meeting sa main office. Papunta ako ng canteen nang mag-ring ang aking telepono. Pinindot ko ang answer key nang makita kong number ng OJT Coordinator ang nagregister sa screen.

“Mr. Santillan, we have received a notice from SJR a while ago. We are very happy to know about the recall of SJR regarding the termination of your contract. With this you’ll just have to make up the lost hours of your OJT so everything will get back to normal.”

Hindi maipaliwanag na kasiyahan ang pumuno sa aking puso. Parang hindi pa rin ako makapanilwala na nangyayari ang lahat ng ito. Ito na yata ang tinatawag na Good Karma. Hindi ko na namalayan na nasa loob na pala ako ng canteen. Pagkatapos makakuha ng pagkain ay nilibot ko ng tingin ang paligid. Halos puno ang mga mesa ng empleyado kaya naisipan ko na lang maki-share. Eksakto namang may bakante pang upuan sa mesang inookupa nina Eunice at Harry.

“Pwedeng maki-chair?”

Halos sabay nag-angat ng tingin ang dalawa. “Sure,” nakangiting sabi ni Eunice.

Napansin ko ang pagdudulot ni Eunice ng pagkain at tubig kay Harry. Naalala ko tuloy dati si Harry ang gumagawa noon sa akin. Ngayon iyong ginagawa ni Harry sa akin ay siya namang ginagawa ni Eunice sa kaniya.

“Nasaan si Sir Brando?” tanong naman ni Harry. Paano’y nabanggit ko kanina sa kaniya bago mag-alas-dose na sabay kaming kakain ni Kuya Brando. Naikwento ko na rin ang nangyari sa loob ng opisina at pag-walk out ni Jimson.

“May meeting kaya sasabay na lang ako sa inyo.”

Sa gitna ng kainan nagtanong ako kay Harry. “Sa bahay ka pa rin ba uuwi mamaya?”

Umiling siya.

Si Eunice ang sumagot, “Hindi na. Ngayon na ang simula ng napagkasunduan nila nina Mama at Papa na sa amin na siya matutulog. Akin na siya ngayon,” sinundan pa niya ng tawa.

“Kelan naman ang kasal?” kay Harry ako tumingin. Hindi ko pa kasi alam ang detalye ng napagkasunduan nila.

“Hindi pa ngayon,”tugon niya. “Pagkatapos pa ng graduation natin at board exam.”

Sumang-ayon naman si Eunice. “Oo, kasi baka mahirapan siya kapag ngayon na. Iyon din kasi ang kondisyon ko bago ko dinala si Harry sa bahay.”

“Ah, okay,” sabi ko saka nagpatuloy ulit kami sa pagkain.

Tapos na kaming kumain nang magpaalam si Eunice na pupuntang CR. Naiwan kaming dalawa ni Harry.

“Masaya ka ba?”

Ngumiti siya na ipinagtaka ko. Ewan ko pero ang ini-expect ko kasi ay malulungkot siya sa tanong ko pero mukhang iba.

“Very…masaya ako dahil napakabuti ni Eunice. Masaya ako dahil mahal na mahal niya ako. Masaya ako dahil sa unang pagkakataon, ako naman ang pinagsilbihan, ako naman ang binigyan ng atensiyon, ako naman ang nakaramdam ng pagmamahal at importansiya. Hindi ko na rin kailangang mamalimos ng pag-ibig dahil ibinibigay ito kusang loob. Sorry Rhett I have to say these things hindi dahil gusto kitang sumbatan. Sinasabi ko ito dahil ito ang nararamdaman ko ngayon. And I’m really blessed to have Eunice in my life.”

Naramdaman ko ang sinseridad sa kaniyang sinabi. Nakuha ko rin ang nararamdaman niya.

Karamihan nga naman sa mga relasyong M2M mabibilang mo ang successful talaga. Kadalasan puro sama ng loob ang dulot. Nandiyan iyong gawin mo nang lahat sa isang partner para maipadama mo kung gaano mo siya kamahal, na halos magpakababa ka na, halos ibigay mo na lahat ng meron ka, minsan nga para sa pamilya mo na ay ibibigay mo pa sa kaniya, magbulag-bulagan ka na rin sa lantarang pangangaliwa niya sa ‘yo. Tapos iiwan at iiwan ka pa rin niya. Maghahanap pa rin siya ng iba at iiwanan kang devastated, disoriented at durog ang pag-asa. Hanggang mapagod ka, hanggang maisip mong sumuko dahil kahit respeto sa sarili mo’y wala ng natira. Kaya may mga ibang gays at bisexual na sa gitna noo’y nakapag-isip na sumubok for a change at dahil doon ay bumaliktad ang mundo at sila naman ang nakaranas mahalin ngayon. Isang umaga nagising na lang sa realisayong nagmamahal na rin sila, mahal na rin nila ang taong hindi man pinangarap pero siya pa ngayong dahilan kung bakit nakakaramdam ng kakaibang saya at fulfilment sa buhay.


“TAPOS NA ANG MEETING PERO madami namang pinatatapos na mga report sa akin si Chairman, pasensiya ka na, hindi kita maihahatid. Love You.”

Text iyon ni Kuya Brando nang malapit ng uwian. Nasa main office pa rin siya. Hindi naman ako ganoon kababaw para magngitngit, okay lang sa akin iyon at naiintindihan ko tsaka may ‘love you’ naman sa huli.

Naisip ko sanang magsimula na ngayong mag-extend ng working hours para makabawi ng oras kaya lang may bibilhin nga pala ako sa SM kaya bukas na lang ako magsisimula. Hahanap ako ng gift para kay Kuya Brando bilang pasasalamat sa lahat ng ginawa niya at higit sa lahat sa ipinararamdam niyang pagmamahal sa akin.

Kalahati lang ng swing entrance door ang bukas at isang guard lang ang naka-station kaya nagkaroon ng pila sa mga pumapasok sa mall. Hindi naman ako nagmamadali kaya willing naman akong maghintay para makapasok.

Sa palinga-linga ko sa mga katabing kainan ng entrance door, napako ang tingin ko sa isang mesa na may nakaupong babae at lalaki. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa aking dibdib nang makilala ko sila kahit medyo malayo ako sa kinaroroonan nila.

Gusto ko sanang sumingit na sa pila para makapasok kaagad at makompronta ko si Mommy kung bakit naroon siya at bakit kasama niya si Chairman pero nakahiyaan ko na.

Si Mommy at si Chairman, magkakilala sila? OMG! Si Chairman pa lang ang kauna-unahang lalaking nakita kong kasama ni Mommy. Ayokong isipin pero nagsusumiksik pa rin sa akin ang posibilidad na baka si Chairman ang lalaking bumisita sa amin ni Mommy noon at pinagselosan ni Daddy. Kung siya iyon ibig sabihin siya ang totoong Daddy ko? Sabihin man nating ampon si Kuya Brando kaya hindi naman kami magiging magkapatid kung sakali man pero iba pa rin ang kabang dulot sa akin nito.

Napapikit ako, ramdam ang panghihina ng mga tuhod. Lalapitan ko ba sila? Paano kung nago-overreact lang pala ako? Kakayanin ko ba ang pagkapahiya?

Sa daming tanong ang bumaha sa aking isip ay hindi ko tuloy napansin na in-overtake na pala ako ng ibang nakapila. Pagpasok ko tuloy sa loob ng mall at puntahan ang kainan ay hindi ko na sila inabutan.

Napaisip tuloy ako kung totoo ba ang nakita ko o isang halusinasyon lamang.

Akala ko ay iyong pagkakita ko kina Mommy at Chairman na magkasama ang tanging magpapagulat sa akin pero meron pa palang mas kagulatgulat akong madadatnan sa bahay pagkauwi ko matapos ang halos dalawang oras na paghahanap ng gift para kay Kuya Brando.

Pagpihit ko ng pinto ng bahay ay naka-lock ito. Akmang kakatok na ako nang marinig kong may nag-uusap sa loob. Ang unang narinig ko kahit hindi ka mawaan ang sinasabi ay boses ni Tiya Beng, tapos ay nagsalita din si Mommy, maya-maya ang narinig ko naman ay tinig ni Kuya Rhon.

Nandito na si Kuya Rhon. Bumalik na siya!

Excited naman akong bigla sa pagdating ni Kuya Rhon. Kaya imbes na kumatok ay dahan-dahan akong nagpunta sa may bintana. Balak ko ay bubulagain ko sila mula sa bintana na hindi ko na nagawa nang maagaw ang atensiyon ko ng kanilang pinag-uusapan.

Nakabihis na ng pambahay si Kuya Rhon maging si Tiya Beng. Si Mommy naman ay suot pa rin ang damit na nakita kong suot niya kaninang kasama si Chairman sa mall. Naka balandra pa rin sa sala ang mga maleta at nakakartong bagahe ni Kuya Rhon.

Nagsalita si Kuya Rhon na noo’y nakatayo. “Sinabi na rin naman ninyo ang katotohanan kay Rhett tungkol sa nangyari sa amin ni Brando bakit hindi ninyo pa nilubos-lubusan?”

“Hindi ko nga alam kung hanggang kelan ko kakayanin ito eh,” sabi naman ni Mommy na nakaupo sa sofa.

Mukha namang si Tiya Beng ang nasa hot seat. Wala itong imik na nakaupo sa kabilang dulo naman ng sofa.

“The truth will set us free. Kaya dapat ang sinabi ninyo kay Rhett ay iyong totoo tungkol sa kaniya at sa kaniyang ama,” sabi ni Kuya Rhon.

Itutuloy

Wednesday, November 17, 2010

In Love With Brando 13


 
Salamat po sa lahat ng readers at commenters. Next post na po ang bati portion. Medyo busy po ako this week.

----------o0O0o---------

“ANG SASABIHIN KO SA IYO ay batay lang din sa nalalaman ng mga kapitbahay noong mga panahong iyon. Two months old ka pa lang Rhett nang mangyari ito. Ang Daddy mo ay nasa trabaho – wala noon ang Kuya Rhon mo at nasa camping ng Boy Scout sa eskwelahan. Kayo lang ng Mommy mo ang naiwan. May isang lalaki na nagpunta dito. Ayokong paniwalaan dahil alam kong mahal na mahal ng Mommy mo ang Daddy mo, pero ayon sa usap-usapan, ang lalaki daw na iyon ay kalaguyo ng Mommy mo. Umuwi ang Daddy mo at nahuli niya ang dalawa na magkayakap. Nagalit ang Daddy mo, umalis siya ng bahay. Nagpakalasing siya saka nagmaneho at nabangga ang kotse niya sa isang poste ng Meralco. Dead on the spot siya.”

“Sino ang lalaking iyon Tiya? Kilala mo ba siya? May nakakakilala ba sa kaniya?”

Umiling si Tiya Beng bilang tugon.

“Kung totoo iyon Tiya, bakit sa akin ibubunton ni Mommy ang nangyari samantalang siya naman pala itong nangaliwa?” Nakaramdam ako ng galit kay Mommy at pagkahabag naman para kay Daddy. Pakiramdam ko’y panaginip lang ang nangyayaring ito. Lahat ng sinabi ni Mommy maging itong pagsisiwalat ni Tiya Beng sa akin.

“Isa din iyon sa naging palaisipan sa akin nang mga panahong iyon Rhett. Bakit ikaw ang sinisisi? Hindi ko na kasi naitanong iyon sa Mommy mo dahil pagkatapos ilibing ng Daddy mo, overly depressed siya. Pinagamot pa nga namin siya sa Psychiatrist at nang gumaling na, hindi na ako nagtanong pa tungkol sa bagay na iyon sa takot na bumalik ulit siya sa dati.” Naluha din si Tiya Beng sa pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan.

“Hindi po ba unfair sa ‘kin iyon Tiya? Ano po ba ang magagawa ng two-month old na baby kagaya ko para pagbalingan niya ng sisi sa pagkamatay ni Daddy?”

Malungkot ang mukhang umiling siya. “Alam kong unfair iyon Rhett kung hanggang doon mo lang siya titingnan. Alam kong may mas malalim pang dahilan at napatunayan kong tama ako dahil nang nandito na ako sa inyo habang ipinapagamot ang Mommy mo ay may natuklasan ako tungkol sa Daddy mo: Naaksidente pala siya sa pinapasukan niya nang tamaan ang kaniyang kaliwang hita na malapit sa kanyang ari ng isang makina doon. Dahil sa aksidenteng iyon, hindi na siya maaaring magkaanak pa.”

Napaisip akong bigla. “I-ibig pong sabihin, hindi ako tunay na anak ni Daddy?”

OMG! Let this be only a dream. Please.

Atubili si Tiya Beng sa sasabihin. Matagal na nag-isip saka huminga ng malalim bago nagsalita, ang tinig ay sa maiiyak na. “Tiningnan ko ang petsa kung kailan siya naaksidente saka ko ikinumpara sa petsa ng kapanganakan mo. Mahirap man tanggapin Rhett, lumalabas na baog na ang Daddy mo nang ipagbuntis ka ng Mommy mo.”

I’m only dreaming! This can’t be real. It can’t be. Pumikit ako ng mariin saka kinurot ng pino ang sarili. Nagbilang ng tatlo saka nagmulat. Saka ko napagtanto, totoo pala ang mga nangyayari dahil wala naman ako sa kama ko, naroon pa rin ako sa sofa kaharap pa rin si Tiya Beng. Hindi ko mai-explain ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Parang gusto kong magtatakbo at magsisigaw para kahit man lang sa ganoong paraan ay mapawi ang sakit na nasa puso ko.

Nanghihina akong napasandal sa upuan, hindi ko na alam ang iisipin ko. “Ibig sabihin posibleng ang lalaking iyon ang ama ko? Sino siya? Nasaan siya?”

“Ang Mommy mo lang ang makapagsasabi kung sino siya.”

Nag-ipon ako ng lakas para tumayo. “Kung gayon kailangan kong kausapin si Mommy. She owe me an explanation. Karapatan kong malaman ang katotohanan.”

Napaluha na ng tuluyan si Tiya Beng. “Rhett, pwede bang ‘wag muna ngayon? Kita mo naman nang iwan mo siya kani-kanina, iyak na lang ng iyak. Ako na ang nakikiusap sa ‘yo. Ayoko lang kasing mag-breakdown siya ulit at bumalik sa pagka-depressed. Katulad mo, mabigat din ang pinagdadaanan ng Mommy mo kahit ngayon.”

Nakakaawa nga din ang hitsura ni Mommy kaninang iwanan ko. Dahil doon ay napaiyak na lang ako. I feel so hopeless and restless. Lahat ng tanong ko ay lubhang mahirap ihanap ng kasagutan. “Sige po Tiya Beng, magiging gentle po ako sa pakikipag-usap kay Mommy next time. Promise.”

Nagpahid siya ng luhang dumaloy sa pisngi. “Salamat anak at naintindihan mo.”

Ilang saglit na namayani ang katahimikan. Ako na ang unang nagsalita nang maalala kong itanong, “Bakit naman po hiningi ninyo sa akin na layuan ko si Kuya Brando?”

Matagal na nag-isip si Tiya Beng na wari’y binabalikan sa alaala ang kung anoman ang isasagot niya sa akin. “Gaya ng nasabi ko na Rhett, hindi natin alam kung bakit siya nagbalik. Malay mo gusto niyang paghigantihan si Rhon at dahil nasa Korea ang kuya mo, maniningil na lang siya sa pamamagitan mo.”

Napapikit ako sa biglang pagpitik ng aking sentido. Parang lahat ng mga nalalaman ko’y pilit nilalabanan ng isip ko. “Naghihiganti? Bakit po?”

“Nang mga panahong hindi ko na nakikita si Brando sa bahay, tinanong ko si Rhon, sabi niya sa akin magkagalit daw sila ni Brando.”

Nalilito pa rin akong nagtanong, “Bakit daw po sila nagkagalit?”

“Hindi lingid sa kaalaman ko ang naging relasyon nilang dalawa. Alam kong higit pa iyon sa magkaibigan o magkapatid. Naintindihan ko sila kung paanong naiintindihan ko kayo ni Harry. Pero sabi nga, sa isang relasyon mas malimit na mas higit ang pagmamahal ng isa kaysa sa isa pang kapartner. Sa kaso nina Rhon at Brando, alam kong mas mahal ni Brando si Rhon.”

May naramdaman akong kirot sa aking dibdib dulot ng huling sinabi ni Tiya Beng. ‘Mas mahal ni Brando si Rhon.’

“At sa lahat ng relasyon gaano man katatag ay palagi na lang susubukan ng kapalaran. Nasa nagmamahalan na lang kung paano ma-overcome iyon at pag-usapan anomang maging problema para hindi masira ng tuluyan ang pagsasama at mai-save ang relationship lalo na if it’s worth saving. Ang pagsubok na iyon ay dumating nang makilala ng Kuya mo ang isang lalaki sa katauhan ni Phen. Sa ilang beses na pagkikita nila ni Phen, naramdaman ni Rhon na mahal niya ito na humantong sa pakikipagkalas niya kay Brando.”

So si Phen pala ang third party. Siya pala ang dahilan ng hiwalayan.

“Hiwalayan na masyadong naapektuhan si Brando. Pero hindi lahat ay sinabi sa akin ni Rhon. Alam kong may iba pang detalye na siya lang at si Brando ang nakakaalam. Kaya naman sa tingin ko iyong pakikipaghiwalay niya ang sinasabi ni Rhon na malaking atraso niya na ikinasira ng buhay ni Brando.”

“Ikinasira?” Mukha namang maayos ang estado ni Kuya Brando ngayon? Engineer pa rin naman at ayos naman ang position niya sa kumpanya nila.

Tumango si Tiya Beng saka nagptuloy, “Iyon ang sabi ni Rhon, halos ikasira na daw ng buhay ni Brando ang naging atraso niya. Palagay ko ay iyon ang dahilan, unless may iba pa na inilihim sa akin ni Rhon at sila lang ni Brando ang nakakaalam.”

May iba pa nga kaya? Pwede rin namang makasira talaga kay Kuya Brando iyon depende na rin sa magiging pagtanggap niya. Pero sa tingin ko nga’y maayos naman ang buhay niya ngayon.

Bigla tuloy bumalik sa alaala ko ang pagluhod pa noon ni Kuya Brando bigyan lang ng isa pang chance ni Kuya Rhon ang relasyon nila. Pero buo na ang desisyon ni Kuya Rhon na tapusin na ang lahat sa kanila. Hinabol ko pa nga noon si Kuya Brando hanggang sa labas ng kalsada sa gitna ng malakas na ulan.

“Na-meet niyo po ba si Phen? Mas deserving ba siya kaysa kay Kuya Brando?”

“Hindi siya dinala dito ni Rhon, sa pangalan ko lang siya kilala.”

Kaya pala hindi ko rin siya kilala dahil hindi siya nagpunta dito sa bahay. Tama dahil ng mga panahong iyon, halos palaging gabi na kung umuwi si Kuya Rhon o kaya’y nagi-sleep over ito sa mga kaklase. Malamang si Phen iyon at hindi talagang kaklase ang pinupuntahan niya.

Umiling si Tiya Beng na ipinagtaka ko. Tumingin ulit sa akin saka muling nagsalita. “Pero mapagbiro talaga ang tadhana. Minsan may mga nararamdaman kang akala mo ay iyon na ang totoo pero hindi naman pala. Karamihan din sa mga bagay o tao sa paligid natin, nare-realize lang natin na mahalaga kapag wala na sa atin. Iyon ang naranasan ng Kuya Rhon mo. Nang sila na ni Phen, saka niya na-realize na huwad lang pala ang nararamdaman niya para kay Phen at ang totoo ay si Brando pala ang talagang mahal niya.”

Naalala ko ulit iyong mga panahong wala na sila ni Kuya Brando ay naging masayahin si Kuya Rhon pero hindi naman nagtagal. Malamang doon na niya narealize na mahal pa rin niya si Kuya Brando. Kaya nahuli ko siya noon na umiiyak habang nakaupo sa sala hawak ang larawan ni Kuya Brando at naga-I love you pa.

“Nagtangka siyang hanapin si Brando pero hindi raw niya matagpuan. Hanggang noong bago siya umalis papuntang Korea, hinahanap pa rin niya si Brando. Hindi raw gagaan ang buhay niya hangga’t hindi siya napapatawad ni Brando sa nagawa niya. Alam ko totoo ang kaniyang sinabi dahil hanggang ngayon pagkatapos ng sampung taon, hindi pa rin siya naka-move on. Mahal na mahal pa rin ni Rhon si Brando.”

Idiniin ko ang aking mga daliri sa aking noo saka iginalaw ng paikot na parang nagmamasahe. Palala ng palala ang nararamdaman kong pananakit dulot ng pagpintig ng mga iilang ugat sa aking ulo. Tahimik na si Tiya Beng pero parang alunignig na paulit-ulit ko pa ring naririnig: ‘Mahal na mahal pa rin ni Rhon si Brando.’

Tingnan mo nga naman, ang tagal na nasa isipan ko ang mga tanong na si Tiya Beng pala ang makakasagot. Sabagay sa loob naman din ng mahigit sampung taon, hindi ko rin naman naitanong kay Tiya Beng ang tungkol kina Kuya Rhon at Kuya Brando. Ipinagpalagay ko kasi na clueless din siya sa nangyari kagaya ko.

“Kaya Rhett, baka ikaw ang singilin niya.”

Posibleng naniningil nga si Kuya Brando. Pero pwede namang hindi. Pwede namang nagbago na siya at wala na sa kaniya ang mga nangyari. Posibleng mahal niya ako gaya ng mga sinabi sa akin ni Eunso. Ramdam ko iyon sa mga halik niya sa akin.

“Pakiusap Rhett, kahit hindi na para sa amin, para na lang sa kaligtasan mo, layuan mo si Brando.”

Buong ulo ko na ngayon ang napintig ang mga ugat. Pinilit ko pa ring magsalita. “Si Kuya Brando lang ang makakatulong sa akin sa problemang ito. Siya lang.”

Hindi na ako nakapagpaalam kay Tiya Beng nang umakyat ako ng silid at inihiga sa kama ang pagod na katawan. Hindi ko na makayanan ang pananakit ng ulo ko na animo’y nag-overload na ito sa sobrang dami na mga data na biglang pumasok hanggang mag-automatic shutdown na ito.


PARANG HINDI NA AKO nage-exists kay Mommy nang mga sumunod na araw kaya hindi ko tuloy malaman kung kailan siya maaari ng kausapin. Hindi ko rin makontak si Engr. Clyde kaya nawalan na ako ng balita kay Kuya Brando. Nabanggit din sa akin ni Harry na wala si Engr. Clyde sa kumpanya, hindi rin pumapasok mula pa noong makuryente si Kuya Brando.

Ang mga araw ay naipon at naging mga lingo. Habang tumatagal, nawawalan na ako ng pag-asang ma-revert pa ang desisyon ng SJR – ang makabalik ako sa OJT at makahabol sa oras para maka-graduate pa rin.

Ang tatag ng loob ko ay parang kandilang unti-unting nauubos. Lungkot na lungkot ako sa tuwing makikita ko si Harry na papasok sa umaga at uuwi sa hapon galing sa kumpanya. Buti na nga lang patuloy pa rin akong pinalalakas ni Harry, patuloy na binibigyan ng pag-asa na pasasaan ba’t maayos din daw ang lahat.

Kay Harry ako humugot ng lakas para hindi ako mabitag ng depression. Ayoko din kasing mag-alala si Tiya Beng sa akin sa makikita niya kung sakali. Para malibang kahit papaano, tinulungan ko na lang si Tiya Beng sa pag-aayos ng kaniyang mga paninda.

Isang hapon, wala pang isang oras na dumating si Harry ay hindi inaasahang dumating si Eunice. Hindi ko pa nga siya agad nakilala dahil sa laki ng ibinagsak ng katawan niya at namumutla.

Inalalayan ko siya sa pagpasok maging sa pag-upo sa sofa. Bigla ang pag-aalala ko sa kaniya. “Anong nangyari sa ‘yo Eunice? May problema ka ba?”

Malungkot ang kaniyang mukha. “Pasensiya ka na Rhett, alam kong ikaw lang ang pwede kong hingan ng payo ngayon—“

Hindi na naituloy pa ni Eunice ang sasabihin nang biglang dumuwal siya na kumalat sa sahig. Nagmadali akong kumuha ng tubig sa tabo saka iniabot sa kaniya at maliit na palanggana na inilatag ko naman sa sahig. Inihahaplos ko pa ang aking palad sa kaniyang likuran habang salitan ang pagduwal at pagmumog niya.

Nang maigahan na siya ng isusuka, nagpunas siya ng mukha sa dalang panyo pagkuwa’y may dinukot sa bulsa at iniabot sa akin.

Pregnancy kit iyon na may malinaw na dalawang guhit. “Buntis ka?” halos mamilog ang mata ko. Nagulat ako sa umpisa pero mabilis din iyong napalitan ng tuwa nang tumango siya bilang tugon sa akin. “Magiging tatay na si Harry. Yes!”

Ang kanina’y malungkot na mukha ay bahagyang nagliwanag. “Sana Rhett, ganyan din ang reaksiyon ni Harry, pag natuwa siya, ako na siguro ang happiest woman alive.”

Hinawakan ko siya sa isang siko. Excited pa rin akong malaman ni Harry na buntis siya. “Tara, nasa taas si Harry, akyatin natin.”

Tuloy-tuloy kami ni Eunice na pumasok sa silid ni Harry na naabutan naming nakahiga sa kama, nakatihaya na ang mga mata ay nakatitig sa kisame.

Hindi maitago sa ekpresyon ng mukha ko ang kaligayahan. “May kailangan kayong pag-usapan ni Eunice, Daddy Harry.” Binigyang diin ko pa ang salitang daddy na ipinagtaka niya.

Kinindatan ko naman si Eunice bilang approval sign saka maingat na inilapat ang pinto pagkalabas ko ng silid.


MAG-ISA LANG AKONG naiwan sa bahay isang araw ng Biyernes. Maliban sa todo pag-aalaga sa aking Cactus, naging usual routine ko na rin ang maglinis ng bahay pagkatapos kumain ng agahan.

At dahil ako lang mag-isa, wala pang alas-nuwebe tapos na akong maglinis. Para akong tanga na naupo sa gilid ng sofa habang natutuwang pinagmamasdan ang aking nilinis. Ang sarap kaya ng ganoong feeling unlike kung may kasama kang iba sa bahay na hindi ka pa tapos mag-imis ay may bagong kalat na naman. Nasa ganoon akong sitwasyon nang may narinig akong kumakatok sa pinto.

Nagpunas ako ng pawis bago binuksan ang pinto.

“Delivery po,” nakangiting bungad ng delivery man. Cute ang mokong. Hehehe.

Hindi ko alam pero parang bigla akong pinahiran ng excitement sa buong katawan nang maaninag ko ang laman ng plastic bag pagkaabot sa akin ni Kuyang cute pagkatapos kong pirmahan ang resibo.

OMG! Sana galing kay Kuya Brando. Iyon ang naiusal ko kahit sa isang bahagi ng utak ko nagsusumiksik pa rin ang pangamba na baka tama si Tiya Beng na nagbalik si Kuya Brando para maghiganti sa pamamagitan ko.

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay, dumiretso sa kusina at sa may mesa ko inilabas sa plastic bag ang French fries at pineapple juice. Nang kunin ko ang pinakamahabang fries sa pulang lalagyan para kainin ay may sumamang papel na nakarolyo ng maigi.

Pagka-unroll binasa ko ang nakasulat:

“You are expected to come on site this coming Monday. We have to clear things out. – Engr. Clyde”

Nakaramdam man ako ng bahagyang lungkot dahil hindi galing kay Kuya Brando, iba pa rin ang dating sa akin ng note. ‘Clear things out’ ibig sabihin posibleng naniniwala na sila sa akin? Posible ding maayos na ang gusot na kinasangkutan ko? Ngayon pa lang ay excited na akong dumating ang araw ng lunes.


NAKAGAWIAN KO NA mula nang hindi na ako pumapasok sa OJT ang pumunta sa riverside ng Calumpang sa umaga basta may pagkakataon ako. Kaya kanina pagkatapos na itabi ko ang note galing kay Engr. Clyde ay tumuloy na ako dito baon ko ang fries at juice.

Gaya ng dati may kaingayan ang paligid dahil sa mga sasakyang nagdaraan. Idagdag pa ang mga taong dumadaan din na papasok sa kani-kaniyang mga trabaho at mga batang naghahabulan at naglalaro sa papainit na pang-umagang araw.

Umupo ako sa bench na inupuan namin noon ni Kuya Brando na ngayon ay bahagyang nalililiman ng mga puno sa may likuran. Kahit man lang sa ganoong paraan ay may koneksiyon pa rin ako sa kaniya.

Naubos ko na ang fries at nangalahati na ang juice nang may maramdaman akong tumabi sa akin sa may kaliwa. Hindi ko agad napansin dahil sa abala ako sa pagtingin sa mga batang naglalaro sa may bandang kanan ko. Kahit hindi ko pa siya nakikita ay natiyak ko nang siya iyon nang halos balutin ng amoy ng peras at banilya ang aming paligid.

“K-kuya Brando…” hindi ako makapaniwala na katabi ko siya. Lalo siyang gumwapo sa suot na uniporme na pang-site kahit pansin ang bahagyang pamamayat.

Maluwang ang kaniyang pagkakangiti at ang mga matang kulay brown ay nangingislap. “Rhett…”

Kasabay ng bigla kong pagyakap sa kaniya ay ang pagkatunaw ng anomang alinlangan sa aking puso’t isipan. Sa kasalukuyan ay ibinasura ko muna kung totoo man o hindi ang palagay ni Tiya Beng na nandito siya para maghiganti. Ang natira lamang ay ang katotohanang mahal ko siya at wala ng iba pa.

Kung gaano kahigpit ang yakap ko’y halos doble naman ng ginawa niya na halos mahirapan na akong huminga. Wala na kaming pakialam pa sa mga tao sa paligid – mga nagdaraan at nakamasid sa amin na halata ang pagkadisgusto at panlalait sa mukha. Sa mga bisig niya naramdaman ko ang kapanatagan ng loob at saya na nag-uumapaw sa aking puso. Saka ko pilit pinigilan ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. Matagal kami sa ganoong puwesto bago kami kumawala sa isa’t-isa pagkatapos niya akong gawaran ng isang masuyong halik sa labi.

“Kuya Brando okay ka na,” tuwang-tuwang sabi ko.

Tumango siya. “Oo, nalampasan ko na rin ang nangyari.”

“Wala akong kasalanan sa nangya—“

“Alam ko. Naikwento na sa akin ni Clyde lahat ng nangyari pati na ang tungkol sa ‘yo.”

“Si Jimson, siya ang may pakana ng lahat. Ako ang target talaga niyang makuryenta.”

“Hayaan mo. Hahanap tayo ng ebidensiya para panagutan niya ang nangyari.”

Iba ang dating sa akin ng sinabi niya: parang isang pader na hindi magiba si Jimson. “Dapat masisante na siya,” hindi maitago ang galit sa aking tinig.

“Alam nating hindi ganoon kadali iyon, but we’ll find a way. Hindi niya matatakasan ang ginawa niya kahit na inaanak pa siya ni Chairman,” paniniguro ni Kuya Brando.

Kaya pala, biglang naisip ko. Kaya pala nasabi niya kay Chairman ang theory niya na planado ko ang aksidenre at bigyan ng motibo na ginawa ko iyon dahil sa galit at selos ko kay Kuya Brando. Hay! Kelan ba magwawakas ang kasamaan ni Jimson?

Hinawakan ko ang isang kamay ni Kuya Brando. “Pasensiya ka na, hindi kita naalagaan pagkatapos ng aksidente. Gustong-gusto ko man hindi ko pa rin nagawa. Itinago ka kasi ni Chairman sa akin.”

“Nag-usap kayo ni Chairman?”

“Oo, kuya. Noong nasa ER ka pa.” Gusto ko sanang idugtong na may nasabi si Chairman tungkol sa sinabihan siyang ‘to stay away from me’, at may ‘ipinangako’ siya at meron pang ‘history repeating itself’ pero nawalan ako ng lakas ng loob banggitin iyon.

Medyo nagbago ang timpla ng mukha niya na parang may biglang naisip. Napatingin sa umaagos na tubig sa baba ng breakwater saka muling nagsalita, “Sa resthouse na namin sa Tagaytay ako nagkamalay. Ikaw ang unang hinanap ko pero wala ka. Iyong katiwala lang namin ang naroon at si Clyde na hindi na rin pumasok sa site at siyang umalalay sa akin habang nagpapagaling.”

“Nag-try akong kontakin ang mga telepono ninyo ni Engr. Clyde.”

“Walang signal sa resthouse. Iyon ang parte ng Tagaytay na on-going ang improvement at kasalukuyang tinatayuan ng cell site. Sa rest house naman, may problema ang landline.”

“Kaya pala,”nakakaunawang pahayag ko. “Pero ayos lang iyon Kuya, ang mahalaga you’re back. Okay na okay ka na.”

Napatingin siya sa carton ng fries at plastic cup. “Dito mo na pala kinain?”

Bakit parang alam niya ang tungkol sa fries at juice? “Ah, ito ba? Padala ito ni Engr. Clyde.”

Tumawa siya ng bahagya. “Ako ang nagpadala niyan. Nauna lang kasing pumasok si Clyde sa site kaya napag-utusan kong magpa-deliver sa ‘yo. Sinabihan ko ding lagyan ng note. Nalaman ko kanina na hindi pala niya inilagay sa note iyong hintayin mo ako sa inyo at pupuntahan kita. Hindi tuloy kita inabutan sa inyo.”

Ramdam ko ang paghaba ng buhok ko ng tatlong sentimetro. “Paano mo nalamang nandito ako Kuya?”

“Hindi pwedeng kasama mo si Mr. Escobio dahil nasa site siya. Tinawagan ko siya, sabi nga niya’y mag-isa ka lang daw naiwan sa bahay kanina. Kaya naitanong ko sa sarili, saan kaya pwedeng pumunta si Rhett Santillan? Malamang pupunta siya sa isang lugar na mapapanatag siya, isang lugar na importante sa kaniya, isang lugar na kahit umakyat pa siya sa nakakandadong gate, okay lang basta mapuntahan lang niya.”

Natawa na rin ako sa huling binanggit niya. Hindi pa rin pala nalilimutan ni Kuya Brando ang ginawa kong pag-akyat sa gate nang unang gabing sumama ako sa kaniya. Pag-ibig nga naman, di bale ng umakyat sa gate at lumundag masunod ka lamang. Hehehe.

Nagbalik ang kasiglahan sa mukha niya. Inakbayan niya ako at hinila palapit sa kaniya. “Muntik na ako…”

Napasandig ang pisngi ko sa collar bone niya. “Oo, kuya. Muntik ka nang kunin sa akin ni Lord.”

Hinigpitan niya ang yakap. “Muntik na akong mawalan ng pagkakataong masabi sa iyo ito.”

Ang alin? Mabilis namang tanong ng aking isip.

Nag-angat ako ng mukha. “Iyon bang sinasabi ni Eunso sa akin?”

“Anong sinasabi sa ‘yo ni Eunso?” giit niya.

Pinakawalan ko ang isang nanunuksong ngiti. “Sabi kasi ni Eunso, you’re starting to fall for me.”

Napapantastikuhan siyang tumingin sa akin. “Nag-uusap kayo ni Mr. Lee ng tungkol sa akin?”

“Hindi naman Kuya, nabanggit lang niya noong nasa beach pagkatapos niya akong i-rescue.”

Napangisi siya. “Gusto mong malaman ang sagot?”

Pakiramdam ko’y excited pa talaga ako sa lahat ng excited. Para tuloy akong asong nakatingala habang iwinawagayway ang buntot na naghihintay hagisan ng buto ng kaniyang amo. “Oo, Kuya.” Bilis umamin kana. Magsalita ka na.

Binitawan niya ako, tumawa at nagsimulang tumakbo. “Habulin mo muna ako, pag nahuli mo ako saka ko sasabihin!”

Kaasar! Tama nga ang sinabi sa amin ng dati naming teacher ni Harry sa Psycho. Kahit hindi na bata ang isang tao, may mga instances pa rin na lalabas ang pagkabata at pagiging playful. Sige na nga bata na rin muna ako. Sakyan ko na lang siya sa pagiging bata niya kahit ngayon lang bawal ang kill joy.

Tumakbo na rin ako para habulin siya. “Kuya Brando!”

Masarap nga palang bumalik sa pagkabata kahit paminsan-minsan lang. Sa pagitan ng pagtakbo ay lumilingon si Kuya Brando na patuloy sa pagtawa para siguruhing malayo ang distansiya ko sa kaniya. Kapag binilisan ko ang takbo ay lalo niyang bibilisan at pag nagbagal ako’y ganoon din ang ginagawa niya.

Ilang benches na ang nalampasan namin sa kahabaan na iyon ng riverside nang kunwari ay hapong-hapo na ako. “Kuya Brando naman, bagalan mo ang takbo para mahabol kita!”

Natatawang binagalan nga niya ang pacing ng takbo hanggang sa makaagapay na ako sa kaniya.

“Mahina ka pala sa takbuhan,” pahayag niya.

Bigla namang niyakap ko siya mula sa likuran na nagpahinto sa amin. “Nahuli na kita Kuya. Kailangan mo nang sagutin ang tanong ko.”

“Ang daya mo Utoy,”sabi niya pero hindi naman nagtangkang kumawala sa pagkakayakap ko sa kaniya.

“Paulit ng sinabi mo Kuya.”

“Ang daya mo!”

“Hindi iyon…”

“Alin ba?” nakukulitan niyang tanong.

Gusto ko ng matawa. “Iyong huling salita.”

“Utoy?”

Tumango ako. Tuwang-tuwa. Tinawag na niya ulit akong Utoy. Gusto kong maluha. Sa tagal kong inasam ang ganito. Mas maligaya pala ako sa aktuwal kumpara doon sa naiisip ko lang.

“Iyon ang tawag mo sa akin noon, naaalala mo pa pala.”

“Oo naman Utoy,” masayang tugon niya. “Hindi ko naman iyon nakalimutan. Ako lang naman yata ang nakalimutan mo.”

“Hindi totoo iyan,” biglang napalakas ang aking tinig. “I swear, never kang nawala sa isip ko Kuya Brando.”

Akala ko nama’y nagbago ang isip niya at gustong kumawala kaya hinigpitan ko lalo ang yakap nang pumihit siya paharap sa akin. Dahil doon pareho kaming napatimbuwang sa lupa.

Nagpagpag kami ng dumi sa damit saka umupong magkatabi sa malapit na bench. Parehong humihingal at nagsisimulang mamuo ang pawis sa katawan.

“Ano Kuya, aminin mo na,” nakangiting hamon ko sa kaniya.

Nagkukunwari pa siyang hindi alam ang tinutukoy ko. “Ang alin Utoy?”

Kainis! Ayaw pa kasing umamin! Pero natuwa pa rin ako at narinig ko na naman ang magic word ‘Utoy.’ Daig pa noon ang isang magandang musika sa aking pandinig.

Nanahimik ako saglit hanggang maramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa magkabila kong balikat at pinihit paharap sa kaniya. Tinitigan niya akong diretso sa mga mata. “I’m not starting to fall for you…iyon ang totoo Utoy.”

Feeling ko nama’y nagbabadya ng bumagsak ang mga ulap sa langit. “A-akala ko—“

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi saka masuyong kinamkam ang aking mga labi. Bakit ganoon, sabi niya, he’s not starting to fall for me pero iba naman ang nararamdaman ko sa halik niya sa akin? Sandaling na wipe-out lahat ng bagay sa paligid namin sa sarap ng pakiramdam ng pag-iisa ng aming mga labi. Gaya ng dati, pareho kaming naghahabol ng hininga nang lubayan niya ang aking bibig.

Maliwanag ang mukha niya nang magsalita, “Maging komplikado man ang ngayon at ang bukas dahil sa kahapon, wala na akong pakialam pa. Ang mahalaga alam kong may isang ugat dito sa puso ko na walang tigil na tumitibok para sa ‘yo.”

Napamaang ako sa sinabi niya. Ramdam ang paggapang ng kasiyahan sa aking puso.

“I’m not starting to fall for you because I’m done with it. I’m already in love with you.”

Naiiyak na ako tuwa sa pag-amin niya. “Mahal na mahal din kita Kuya Brando. Hindi lang ngayon dahil kahapon pa’y minahal na kita at alam kong mamahalin pa rin kita hanggang bukas.”

Minsan pa’y niyakap niya ako ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko ang katapatan sa kaniyang mga sinabi. Nang tugunin ko ang yakap niya, alam kong kailangan ko nang ihanda ang sarili ko na masaktan kung sakali mang tama si Tiya Beng sa kaniyang palagay. Kailangan ko nang sumugal para kahit na matalo, maranasan ko pa rin ang magmahal at ang mahalin ni Kuya Brando.

Itutuloy

Friday, November 12, 2010

In Love With Brando 12


  
Special greetings kina Jake, RJ, jess, eunsolee, wastedpup at antukin29. Salamt sa patuloy na suporta.
 
Salamat din sa bagong followers: Robin Punsalang, jess sanchez, bx_35, at nj.
  
Heto na ang Part 12, sana ma-meet pa rin ang expectations ninyo.
  
----------o0O0o----------
 
Kinusot ko pa ng dalawang beses ang aking mga mata para siguruhin na hindi bunga ng imahinasyon ko ang presensiya ni Mommy. Pero nandito na nga siya, nagbalik na. Flesh and blood in front of me.
  
Mas maganda si Mommy sa personal kumpara sa imaheng madalang kong nakikita sa webcam. Ngayon ko napatunayan na sa kaniya namin namana ni Kuya Rhon ang aming buhok na unat, maitim at makintab. Pati ibang features ng mukha ay malaki talaga ang resemblance namin sa kaniya. Sa edad na forty nine, hindi maitatanggi ang taglay pa ring kagandahan kahit nakasuot lang ng pambahay na halatang malaki ang size sa kaniya.
  
Sa kabila ng pag-iyak ko sa nangyaring kamalasan sa maghapon, hindi ko napigilan na paglukob ng ibayong kasiyahan sa aking puso sa pagkakita sa kaniya. Kumawala ako kay Tiya Beng at yumakap ng mahigpit kay Mommy.
  
“Mommy, nandito ka na. Nagbalik ka na po.”

Naramdaman ko ang kapanatagan ng loob. Iba pala kapag yakap mo ang iyong tunay na ina, parang feeling mo secured na secured ka, na walang makakapanakit sa iyo. Muling dumaloy ang luha sa aking mga pisngi, pero sa pagkakataong ito ay luha ng kaligayahan.

May napansin lang akong kakaiba kay Mommy nang yakapin ko siya. Hindi siya gumanti ng yakap. Nanatiling nasa magkabilang gilid ang kaniyang mga kamay na sinadyang hayaan lang akong yakapin siya.

“Basa na ang damit ko.”

“Ay sorry po. Sobrang masaya lang po ako sa sorpresang pagdating niyo kaya hindi ko napigiling yakapin kayo.”

Iritado ang ekspresyon ng mukha nang tumingin siya sa akin, pagkuwa’y napalitan ng pagkainis nang may maalalang hindi ko mawari kung ano at nagsalita. “Nandito na ako kaninang magkausap kayo ni Beng. Disappointed ako sa ‘yo. Sabi ko na nga ba, hindi mo matutupad ang ipinangako mo sa akin.”

Napawi ang kaligayahang naramdaman ko kani-kanina lang at muli gusto ko na namang umiyak. Ang ini-expect ko kasi pagkatapos ng mahabang paghihintay sa pagdating niya ay yayakapin ako ng mahigpit, aaluin at sasabihin niyang, ‘Bunso, tahan na. Maaayos din natin iyang problema mo. May awa ang Diyos, tutulungan niya tayo.’ Pero dagdag pressure pa siya sa akin.

Huminga ako ng malalim saka nagsalita. “Sa kabila naman po ng nangyari, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Maaayos ko pa ang problemang ito.” May alas pa naman akong natitira: si Kuya Brando. Sana magising na siya para kagaya ng dati, ise-save niya ako sa kinsadlakang ito. Siya ang makakapagpatunay na totoo lahat ng sinabi ko. Siya din ang makakapagsabi na hindi live ang kawad dahil sinukatan pa naming dalawa bago siya gumawa. Sana magising na siya ngayon. Sana…

“Maniniwala lang ako kapag naayos mo na.”

Papatunayan ko po sa inyo na maayos ko pa ito, pero hindi ko na naisatinig.

“Problema na nga sa Korea, pagdating ko dito, problema pa rin.” Tumingin siya kay Tiya Beng. “May jet lag pa ako, kailangan ko ng magpahinga.” Saka siya tumalikod at tuluyang pumasok sa silid nila ni Tiya Beng.

Hindi ko na napigilan ang muling umiyak “Tiya, bakit ganoon si Mommy? Three years old lang ako nang iwanan niya tapos ngayon lang kami nagkita ulit, pero parang balewala lang ako sa kaniya?”

“Problemado lang siya kaya ganoon. Isinumbong kasi siya nung isa nilang kasamahan kaya na-deport siya instantly. Hindi na nga niya nagawang makauwi pa sa bahay nila ni Rhon, kasi idineretso na siya ng airpot ng mga pulis. Wala nga siyang kadala-dalang gamit at pera. Nagpahatid lang siya dito from the airport at ako pa ang nagbayad sa taxi niya. Iyong suot niya, damit ko iyon. Stressed lang iyon Rhett at pagod sa biyahe. Hayaan muna natin siyang magpahinga. Magbihis ka muna nang hindi ka magkasakit.”


ITINULOY KO NA SA pagligo ang pagkabasa ko ng ulan. Pagkabihis ay bumaba na ulit ako at nagtungo sa kusina. Nakapaghain na si Tiya Beng at naroon na rin si Harry. Kumain kaming tatlo na halos walang imikan. Hanggang matapos kami ay hindi lumabas si Mommy na nasa silid pa rin at nakatulog na pala ayon kay Tiya Beng.

Dalawang oras na akong nakahiga sa aking kama ay hindi pa rin ako makatulog. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga pangyayari. Kung ano ang gagawin ko at kung paano ko malulusutan ang problema. Naisipan kong bumaba sa aking silid at tinungo ang cactus sa harapan ng bahay na naiilawan ng malamlam na liwanag ng buwan.

Humarap ako sa cactus, hinawakan ang isang sanga nito saka mariing pumikit. “Kuya Brando, kung sa pamamagitan ng cactus na ito ay marinig mo ako, sana magising ka na. Sana gumaling ka na. Ikaw lang ang natitirang pag-asa ko. Tulungan mo ako. Sana maayos pa bago mahuli ang lahat.”

Matagal ako sa ganoong ayos hanggang sa makarinig ako ng mga kaluskos sa aking likuran. Pagbaling ko ay papalapit si Harry, ang semi-kalbong buhok ay naging prominente sa liwanang ng buwan, na kagaya ko’y naka-boxer shorts lang at sandong puti.

Tumabi siya sa akin. “Bakit gising ka pa?”

“Hindi ako makatulog. Nag-iisip ako ng solusyon sa problema ko. Nagpatong-patong na. Nadagdagan pa—si Mommy. Pero fight pa rin ako, patuloy akong lalaban.”

“Si Sir Brando, siya lang ang makakapagpatunay na wala kang kasalanan.”

Tumingin ako sa kaniya. “Naisip ko na rin iyan. Siya na lang talaga ang makakatulong sa akin. Ipinagdadasal ko nga na sana, gumaling na siya.”

“Sige, tutulungan na rin kita sa pagdadasal. Mabigat man sa dibdib ko ang hilingin kay Lord na gumaling ang lalaking karibal ko sa ‘yo, gagawin ko pa rin iyon alang-alang sa ‘yo. Bukas makikibalita ako sa kumpanya tungkol sa kalagayan niya.”

Niyakap ko si Harry. Yakap-kapatid. Yakap ng pasasalamat.

“Si Mommy hindi ko alam kung anong gagawin ko para maging maayos kami.”

“Kapag naayos mo ang problema mo sa kumpanya, chain reaction na rin iyon. Maibibigay mo na sa kaniya ang ipinangako mo. Maayos ang lahat.”

“Sana nga Harry. Sana nga.”

“At the meantime, bakit hindi mo kaya siya ipagluto bukas ng Korean food. Sabi nila ‘The best way to a man’s heart is his stomach’ baka aplikable na rin iyon sa babae. Sa tingin ko, mahihirapan pa siyang makapag-adjust sa pagkain natin sa umpisa kaya makabubuti kung maipagluluto mo siya.”

“Hindi ako marunong magluto ng Korean food.”

“Anong ginagawa ng internet?”

That’s a great idea. Napatango na lang ako na may kislap ang mga mata.


HINDI KO PA RIN NAPIGILAN ang lungkot nang makita ko si Harry kinaumagahan paalis papuntang site. Dinismis ko na lang ang negative feeling na naramdaman ko. Kinuha ko ang aking telepono saka nagtext kay Engr. Clyde. Mabilis naman siyang nag-reply at nalungkot na naman ako nang sabihin niyang unconscious pa rin hanggang ngayon si Kuya Brando.

Nakapagpaalam na ako kay Tiya Beng na nasa kusina nang maalala ko si Mommy. Magpapaalam pa rin pala ako sa kaniya. Pagdating ko sa silid, tulog pa rin si Mommy kaya minabuti kong huwag na siyang gisingin. Ipagbibilin ko na lang kay Tiya Beng.

Palabas na ako nang mamataan ang isang picture frame na nakapatong sa sidetable. Nilapitan ko iyon saka maingat na kinuha. Picture pala iyon ni Daddy na huli kong nakita ay narito pa si Kuya Rhon at nang makaalis siya ay ipinalagay yata iyon ni Mommy sa loob ng cabinet para hindi raw masira. Malamang muling inilabas ni Mommy kagabi.

Mahal na mahal talaga ni Mommy si Daddy, naiusal ko. Hinanap pa niya talaga ang picture nito bago matulog.

Guwapo si Daddy sa picture niyang iyon. Pero wala man lang kaming namana sa features niya. Medyo maputi kasi siya, pareho naman kaming moreno ni Kuya Rhon katulad ni Mommy na morena naman. Pero habang nakatitig ako sa larawang iyon, unti-unti kong nakikita na may similarities din pala iyong features ni Daddy kay Kuya Rhon, may hawig din. Pero ako kahit tagalan ko pa ang pagsipat sa larawan, talagang kay Mommy lang ako nakakuha. Mga features na nakuha ko na nakuha rin ni Kuya Rhon kaya magkahawig pa rin kami kung titingnan.

Nagulat naman ako nang biglang gumalaw si Mommy mula sa pagkakatihaya ay tumagilid pero nanatiling tulog pa rin. Maingat na ibinalik ko ang larawan sa sidetable saka ako lumabas ng silid.


“WOW, ANG SARAP NAMAN nito,” sabi ni Tiya Beng pagkatapos matikman ang iniluto kong Korean food: Ohjing-oe bulgogi (Grilled spicy squid) at Jjinmandu (Steamed dumpling). Bumili din ako ng isang maliit na garapon ng Kimchi.

Natuwa naman ako sa reaksiyon niya. Mukhang nakatsamba ako sa niluto. At least hindi nasayang ang pagre-research ko pa sa internet ng lulutuin at pagbili ng mga sangkap sa SM. Nagkaroon pa nga ng maliit na sugat ang aking kaliwang hintuturo nang mahiwa ng kutsilyo habang ginagayat ang mga sangkap. “Talaga? Sa tingin niyo magugustuhan ni Mommy?” excited kong tanong.

“Oo naman. Ako nga gusto ko eh. Siguradong approve sa kaniya ito. Tiyak matutuwa iyon.”

Kahit approved kay Tiya Beng, hindi pa rin nawawala ang aking kaba at lalo pa itong lumakas nang dumating na si Mommy galing sa pamimili ng kaniyang mga gamit sa mall.

Nakahain na ang hapunan nang dumulog sa hapag si Mommy. Hindi ako mapakali sa pagkakaupo sa kaba at excitement sa magiging comment niya.

Ngumiti siya kay Tiya Beng at umupo na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Mukha namang lumiwanag ang mukha niya sa nakitang pagkain.

Napangiti na rin ako ng lihim. Mariing nakamasid sa magiging ekpresyon ng kaniyang mukha.

Kumuha siya ng isang dumpling gamit ang chopsticks, isinawsaw saglit sa sauce saka tinikman.

Hindi pa siya nakakapagsalita nang tanungin siya ni Tiya Beng. “Masarap ba? Niluto iyan ni Rhett para sa ‘yo,” proud na proud pang sabi.

Hindi ko alam kung nagustuhan ba niya talaga o hindi, basta nang marinig niya ang pangalan ko, mula sa nasisiyahang mukha, nagbago ito na animo’y hindi maganda sa panlasa ang pagkain.

Inilagay ang chopsticks sa tabi ng plato, saka tumingin kay Tiya Beng. “Ayoko nito. Naaalala ko lang ang Korea. Naiinis lang ako lalo.”

Pumasok si Mommy sa kaniyang kuwarto at pagbalik ay may dalang canned meat. “Ito na lang ang uulamin ko.”

“Excuse me po,” paalam ko. Hindi ko na makayanan ang kakaibang lungkot na bumalot sa aking puso. Hindi man lang na-appreciate ni Mommy ang pagsisikap kong maipagluto siya. Kahit konting papuri lang sana ay sapat na iyon para sa akin. Tumayo ako at umakyat sa aking silid.

Inilock ko ang pinto, isinubsob sa kama ang aking mukha saka kontroladong umiyak para hindi marinig nina Tiya Beng at Mommy sa baba. Ang sama-sama pala sa pakiramdam ng ganito. Nag-exert na ako ng effort, pati pagluluto ko’y nag-level up na pero wala lang sa kaniya. Hindi tuwiran pero ipinamukha sa akin ni Mommy na mas gusto pa niya ang de-lata kaysa pinaghirapan kong iluto.

Tama nga ang kasabihan, ‘when it rains it pours’ nag-kasunod-sunod ang nga kamalasang dumating sa akin. Mga pangyayaring sinusubukan ang aking katatagan gaya na lang nitong pagtrato sa akin ni Mommy. Pero susuko na ba ako? Siyempre hindi. Never!

Napatigil saglit ang pag-iyak ko nang tumunog ang aking cell phone. May incoming message ako. Galing kay Engr. Clyde, “Rhett, nagising na si Sir Brando. He’s fine now. Pwede na raw siyang ilabas bukas ng hapon.”

Ang sama ng loob ko kay Mommy ay biglang napawi. Napalitan ito ng kaligayahan. OMG! Salamat po sa pagdinig mo sa dasal ko!

Tama din iyong kasabihan, ‘There’s sunshine after the rain!’


ALAS-DIYES NG UMAGA kinabukasan papasok na ako ng ospital. Buo na ang loob ko kagabi pa lang na puntahan si Kuya Brando. Kung hindi man sabihin sa akin sa Information kung nasaan ang kuwarto ni Kuya Brando, handa na akong isa-isahin ang bawat silid sa buong ospital. Siguro naman ay bago magtanghali ay makikita ko na iyon. Sabi naman ni Engr. Clyde ay sa hapon pa ilalabas si Kuya Brando.

Dumiretso muna ako sa Information. Naisip kong walang masama kung magtanong akong muli, malay natin madulas sila at sabihin iyong numero ng silid.

“Brando Ramirez?” tanong ng babae saka tumingin sa listahan sa kaniyang harapan. Nag-angat muli ng mukha saka nagsalita. “Nakalabas na kanina pang alas-otso.”

Bigla akong nanghinayang sa nalaman ko. Kung mas maaga lang sana ako’y baka naabutan ko pa. Laglag ang balikat at malungkot ang mukha nang lumabas ako ng ospital.

Dinayal ko ang numero ni Engr. Clyde. Recorded voice niya ang narinig ko, “Hi, this is Clyde. Sorry I can’t answer your call. Please leave a message after the tone so I can get back to you later. Thank you.”

Naisipan kong magtext kay Harry, “Nandiyan ba si Engr. Clyde?”

Replay niya, “Sabi dito, absent daw siya. Bakit?”

“Dito ako sa ospital, nakalabas na si Kuya Brando.”

“Baka si Engr. Clyde ang naglabas sa kaniya.”

Hindi ko na nireplayan si Harry. Naisip kong tumuloy na sa bahay nina Kuya Brando sa Nueva Villa.

Wala pang treinta minutos, nasa may tapat na ako ng gate.

“Si Engr. Clyde po?” bungad ko sa guwardiyang nagbukas ng maliit na gate.

Kagaya dati ay may tinawagan ulit ang guwardiya sa intercom bago ako pinapasok. Parang ni-replay ko lang muli ang nangyari unang punta ko dito mula pagpasok sa gate patungong terrace, paghanga sa garden na ni-landscaped gamit ang iba’t-ibang uri ng cactus, pagtataka sa swimming pool na wala pa ring tubig hanggang ngayon at sa pagpasok sa sala para makitang muli ang family portrait.

Ang kaibahan lang ngayon, mas matagal ako sa sala kaya nagkaroon pa ng mas mahabang oras para makita ang isa pang letrato sa picture frame kasukat ng bond paper na nakapatong sa itaas ng entertainment cabinet.

Picture iyon ni Kuya Brando, half body shot, mas bata lang ng kaunti ang hitsura niya sa picture kumpara ngayon. Katabi niya ang isang lalaki na sa tingin ko ay mga sixteen o seventeen years old lang. Guwapo at malakas ang appeal.

Sino kaya siya? Isa kaya siya sa mga binansagang ‘flavour of the month’?

Hindi ko namalayan nasa likuran ko na pala ang katulong na mukhang wala pa sigurong bente anyos, “Sir, pakihintay lang daw po,” sabi nito. Alam ko na ang tinutukoy niya ay si Engr. Clyde.

Ngumiti ako sa kaniya. “Alam mo ba kung sino siya?” Itinuro ko ang teenager na kasama ni Kuya Brando.

Nag-alinlangan pa itong sumagot sa akin na parang nananantiya kung okay lang na sagutin niya. “Anak po ako ng katiwala dito, sabi po ng inay siya daw po si James –“

Napatigil ang katulong nang makita na paparating na si Chairman. “S-sige po, maiwan ko na kayo.” Halos madapa sa mabilis na paglabas ng sala.

Sa tingin pa lang ni Chairman ay gusto ko ng bumuka ang nakabaldosang sahig at kainin na akong tuluyan. Iba talaga ang aura niya, parang nakakakaba. “Ang lakas naman ng loob mong tumuntong sa pamamahay ko.”

Kahit kabado, pinilit ko pa ring tumingin sa kaniya. “Gusto ko lang pong makita si Kuya Brando. Siya lang po kasi ang makakatulong sa –“

“Wala dito si Brando. Kung nandito man siya, hindi mo rin naman siya makikita.”

“Maawa na po kayo Chairman. Kailangan ko po siyang makita, kailangan ko po siyang makausap. Siya lang po ang makakapagsabi na wala akong kasalanan sa nangyari.”

Pansin ko ang pamumula ng mukha ni Chairman. “Sinasabi mo pa sa akin ngayon, gagamitin mong witness si Brando para pahindian ang pagkakamaling ginawa mo sa kaniya?”

“Wala naman po talaga akong kasalanan. Hindi po ako dapat na-terminate.”

Umiling si Chairman. “Pasalamat ka pa nga Mr. Santillan, iyon lang ang nangyari sa iyo. Pasalamat ka at mahina ang ebidensiya para patunayan ang theory na inilahad ni Mr. Landicho na planado mo ang nangyari para makaganti ka kay Brando. Kung hindi baka sa kulungan ang bagsak mo ngayon for attempted murder.”

Sumungaw ang galit sa loob ko. “Inosente po ako. Si Mr. Landicho po, siya ang may pakana ng lahat ng ito. Siya po ang may kasalanan.”

“Leave!”

Gusto ko nang lumuhod para payagan lang niya akong makita si Kuya Brando pero sa galit na bakas sa mukha niya, kahit siguro pagluhod ay hindi sapat para ipagkaloob niya ang aking hiling.

Nang hindi pa rin ako matinag sa kinatatayuan ko, “I said leave!” Halos pandilatan na ako ni Chairman.


NAGLALAKAD AKO palabas ng subdivision ay hindi mawala sa isip ko ang mga tanong na lalong nadagdagan. Ang lalaking kasama ni Kuya Brando sa picture ay si James. Sino naman si James? Kung wala doon si Kuya Brando nasaan kaya siya? Saan siya dinala ni Chairman? Wala pa ring tubig ang swimming pool. Sino ang isa pang batang lalaki sa family portrait?

Tumigil sa tabi ko ang isang dark green na kotse, half open ang windshield sa driver’s side. “Sakay na,” anyaya ni Engr. Clyde.

Nakangiti akong sumakay sa passenger seat saka bumaling sa kaniya.

Pinaandar ni Engr. Clyde ang kotse saka nagsimulang tahakin ang direksiyon palabas ng subdivision. “Naunahan ako sa paglabas ni Chairman, nang makita kita’y palabas ka na ng gate.”

“Gusto ko kasing makita si Kuya Brando, Engr. Siya lang ang makakatulong sa akin.”

Sa daan nakapako ang atensiyon niya, “Wala siya sa bahay Rhett. Kasama ako kaninang ilabas siya pero after noon iba na ang pinasama ni Chairman sa kaniya. Hindi ko rin alam kung saan siya dinala para magpagaling. Ipinayo kasi ng Doktor na magpahinga siya pinakakaunti ang isang buwan.”

“Baka naman po may nasabi sa inyo si Chairman? Sabihin niyo naman sa akin, parang awa niyo na.”

Umiling siya.

“Baka naman may rest house sila? Baka doon po dinala?”

Tumingin saglit sa akin si Engr. Clyde. “Alam ko may rest house sila, pero hindi lang isa iyon, marami silang rest house. Isa pa Rhett, kung alam ko din lang ngayon kung nasaan si Sir Brando, baka hindi ko rin sasabihin sa ‘yo. Sana maintindihan mo. Nasa mga Ramirez ang loyalty ko.”

Nanahimik na lang ako. Pakiramdam ko’y binawian na ako ng pag-asa na maayos ko pa ang lahat. Kung isang buwan mawawala si Kuya Brando, sobrang late na iyon para habulin ko pa ang OJT, kung sakali mang mabago niya ang desisyon at kung papanig pa sa akin ang lahat ng mga susunod na mangyayari.


SA KATATAGAN NG LOOB na gusto kong ipakita na hindi ako basta-basta susuko, naisipan kong magluto naman ng Fish Pochero kinagabihan na ayon kay Tiya Beng ay paborito ni Mommy.

Kahit alam ko na ang kahihinatnan, kinabahan pa rin ako nang makaupo na si Mommy sa hapag. Ipinagdasal ko pa rin na sana’y lumambot naman ang puso niya sa akin, kahit minsan lang. Kahit ngayon lang sana matuto siyang ma-appreciate ang gestures ko.

Kay Mommy lahat ang tingin namin nina Harry at Tiya Beng. Para naman itong nakaramdam nang magtanong, “Sino ang nagluto nito?” Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming tatlo, naghihintay ng sagot bago tikman ang ulam na nakahain.

Napag-usapan namin ni Tiya Beng na siya ang aako na nagluto, pero ilang segundo na’y hindi pa rin siya umiimik at nang tumingin ako sa kaniya’y sinenyasan na niya akong magsalita. “Ako po Mommy, gaya po kahapon, pinaghirapan ko iyang ihanda para sa inyo.” Hindi napigilan ang paggaralgal ng aking tinig sa mga pahuling salita.

Kagaya kahapon, tumayo siya sa kinauupuan saka kumuha na naman sa kaniyang silid ng canned meat. “Ayoko na ng ganitong ulam, ito na lang de-lata ang kainin ko.”

Aalis sana ako sa mesa pero pinigilan ako ni Tiya Beng. Kumain lang ako ng mabilis saka nagpaalam na aakyat na ng silid.

Napaupo ako sa gilid ng aking kama, matamang nag-iisip. Pagkatapos ng mahigit tatlumpung minuto ay bumaba ako at nagtungo sa silid ni Tiya Beng. Naabutan ko si Mommy na nagbabasa ng pocketbook.

Determinado ang tinig ko nang magsalita. “Kailangan ko po kayong makausap.”

Sa pagkakasandal sa headboard ng kama ay ibinaba niya ang binabasang libro at nag-angat ng tingin. “Anong kailangan mo?”

Anak ba talaga niya ako? Bakit wala man lang akong maramdaman kahit konting pagmamahal sa tono ng tanong niya?

Pakiramdam ko’y nagsisikip ang dibdib ko. “Ano ho bang problema ninyo sa akin? Bakit napakalamig ng trato ninyo?”

Muling itinaas ang libro na tumakip na sa kaniyang mukha saka nagsalita. “Ayoko ng drama. Gusto ko muna ng tahimik, gusto ko munang mapag-isa.”

Umupo ako sa may gilid ng kama. Pambabastos mang maituturing pero kinuha ko kay Mommy ang hawak na libro at ipinatong sa may sidetable. “Sagutin ninyo naman ako, gusto kong malaman kung ano ang problema ninyo sa akin.”

Nanatili siyang tahimik pero ramdam ko ang pagbabago ng mood niya. Parang sa isang bulkan na matagal na natulog at bigla na lamang sasabog anomang oras.

“Hindi ko alam Mommy kung ano ang kasalanan ko sa inyo. Sa totoo lang dapat ako pa nga ang magalit sa inyo sa pag-iwan ninyo sa akin noong three years old pa lang ako. Dapat magalit ako dahil mula pagkabata wala akong ina at umiiyak habang nakikita ko ang ibang bata na masaya sila at may ina silang umaaruga sa kanila. Dapat magalit ako dahil wala akong ina nang ma-bully ako at duguan ang ilong na iniligtas ng ibang tao. Dapat magalit ako dahil pinabayaan ninyo ako. Dapat magalit ako dahil sa sama ng loob na idinulot ninyo sa akin. At dapat magalit ako dahil kahit anong gawingkon paran to reach out, balewala lang sa inyo. Pero hindi ko magawa iyon, dahil sa kabila noon, mahal ko pa rin kayo.” Sa huling salita tumulo na ang luha sa aking pisngi.

“Iniwan kita dahil iyon ang naisip kong makabubuti sa’yo,” sabi ni Mommy pigil ang sariling ilabas ang nararamdaman.

“Hindi ko kayo maintindihan. Walang inang ginustong iwanan ang anak.”

“Nasasaktan ka ngayon at nagdaramdam. Ilang araw pa lang tayong magkasama, parang bibigay ka na. Kung hindi kita iniwan, kakayanin mo kaya ang ganito palagi sa loob ng labing-anim na taon?”

“Bakit Mommy, ganito ba ang trato mo sa akin kung sakali? Ano ba ang kasalanan ko sa ‘yo? Bakit ba galit kayo sa akin?”

Nang hindi na mapigilan ni Mommy ang kaniyang saloobin, tuluyan na siyang sumabog. “Nagagalit ako sa taong nagpa-deport sa akin. Nagagalit ako dahil nandito ako ngayon kahit wala na talaga akong balak pa na umuwi. Nagagalit ako dahil mukhang malabo akong makaalis kaagad pabalik ng Korea. Nagagalit ako dahil doon ay kailangan kong tiisin na makita ka palagi. Nagagalit ako sa tuwing makikita kita dahil naaalala ko ang nangyari.” Napahagulgol na si Mommy. Itinakip sa mukha ang kaniyang mga palad.

“A-ano pong nangyari?”

Inalis niya ang mga palad sa mukha saka humarap sa akin. “Sa tuwing makikita kita, naaalala ko ang Daddy mo. Mahal na mahal ko ang Daddy mo pero nawala siya sa akin. Ikaw ang dahilan kung bakit siya namatay!”

Para naman isang bombang sumabog ang rebelasyon ni Mommy. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya na ako ang dahilan ng pagkamatay ni Daddy. Wala naman akong matandaan na ginawa ko. Kahit nga mga nangyari noong three years old ako, wala akong matandaan.

Umiyak na ng umiyak si Mommy. Nawala ng tuluyan ang composure. Kaya minabuti kong iwanan muna siya sa kaniyang silid para makabawi. Alam kong hindi biro ang hinugot niyang lakas para balikan ang nakaraan at isiwalat sa akin.

Paglabas ko ng silid, nasa may pintuan pala si Tiya Beng na halatang narinig niya lahat ng pinag-usapan namin ni Mommy. Umiiyak akong yumakap sa kaniya. Iginiya naman niya ako patungong sala saka umupo kaming magkaharap.

Alam kong siya ang magtutuloy sa mga ibinulgar ni Mommy. Litong-lito ang aking isip at pagod na pagod ang aking kaluluwa na hinintay siyang ikumpisal ang kaniyang nalalaman.

“Makinig ka Rhett sa sasabihin ko…”

Itutuloy
 

Literatures of Life

Flag Counter

free counters